Pagpapahalaga sa mga pangyayari sa ibat-ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao


Ano nga ba ang kahalagahan ng mga ito ?ito ba ay magagamit natin ngayon? tara na at alamin natin ang kahalagahan nito.

Alamin natin ang panahon ng bato sa unang yugto ng panahon ng paleolitiko ng ibig sabihin ay panahon ng lumang bato.

Ang kahalagahan ng 500,000 Bc panahon ng paleolitiko ay ang pagtuklas nila ng pinakamahalaga na hanggang ngayon sa kasalukuyan ay nagagamit pa rin natin ito ay ang " Apoy " . Bukod pa dito sila ay nabubuhay sa pangangaso at pangingisda. Naggagala sila at kapag inabutan na sila ng gabi ay doon na sila mag pa palipas ng gabi wala sila ng permanenteng tahanan. ang paggamit ng mga tao ng mga kasangkapang yari sa bato, buto ,kahoy, halaman ginagawang sisidlang basket.

Ang Panahong neolitiko or bagong bato dakong 10,000 -4,000 BCE

Ang Panahong Neolitiko o Panahon ng bagong bato 
Kilala ang panahon na ito ng dahil sa paggamit nilang ng mga  makikinis na kasangkapang Bato . Sa panahong ito ay naganap ang Rebolusyong Neolitiko o ang Agrikultural. Sistematikong pagtatanim para matustusan na ang kanilang pangangailangan pagdating sa kanilang pagkain. Nagkaroon din sila ng permanenteng tahanan. Sa paggamit nila ng makikinig na kasangkapang bato ay nakakagawa na sila ng palayok at paghahabi. 

Dumako naman tayo sa Panahon ng metal
Ay may tatlong katangian ito ay ang panahon ng tanso, bronse, at bakal.

Ang Panahong Tanso ay nagsimula noong 4000 bce sa panahon na ito ay ginagamit or nakagagawa na sila ng pagpapanday na ang kagamitan ay yari sa tanso . nang matuto ang mga tao ano ba ang panday ay naging mabilis ang pag unlad nito.

Ang Panahong Bronse ito naman ay tinutunaw nila ang lata upang makagawa sila ng mas matitibay na gamit o bagay katulad ng espada palakol kutsilyo at madami pang iba.

Dumako naman tayo sa Bakal
Ang Panahong Bakal sa panahon naman ito ay nagtutunaw sila ng bakal at dahil sa matitibay nila ginagamit sa digmaan madalas ay nanalo sila dahil dito. 

Ito ba ay mahalaga sa ating pamumuhay sa kasalukuyan ?at bakit?
 
Sagot: ito ay pinakamahalaga sa atin hanggang sa kasalukuyan dahil kung hindi ito natuklasan o pinag-aaralan ng mga sinaunang tao wala tayong mga gamit na moderno sa ating buhay at napapadali din sa atin ang  mga gawain sa mga bagay na natuklasan ng mga sinaunang tao ito malaki ang ambag na hanggang sa susunod na henerasyon at maari pang magamit.